top of page

Pagharap sa Kahirapan

Pagharap sa Kahirapan

CBM

1. MAYROON PA BANG MAS HIGIT NA MASAMA SA BUHAY KAYSA SA KAHIRAPAN?

Oo, maraming bagay ang mas masama.

· Isipin ang pagkakaroon ng malubhang kapansanan. Alalahanin ang kasabihang, “Naiyak ako dahil wala akong sapatos hanggang sa nakita ko sa kalsada ang isang lalaking walang paa”.

· Isipin ang makulong sa kulungan dahil sa krimen na hindi mo naman ginawa. Mas gugustuhin mo bang magkaroon ng hindi makatarungang parusa at makulong, o maging mahirap ngunit malaya? Pahalagahan ang kalayaan.

· Isipin kung ang isa sa mga anak mo ay nag-aagaw-buhay habang binabasa mo ang babasahing ito. Mas gugustuhin mo bang magkaroon ng kayamanan, o ang mabuhay muli ang iyong anak? Alam ng lahat ng magulang na ang anak ay higit na mahalaga.

Sa espiritwal na sabi, ang pagiging mayaman ay mas mapanganib kaysa pagiging mahirap! Sinabi ni Jesus, “Sa aba ninyong mayayaman! sapagka't tinanggap na ninyo ang inyong kaaliwan” (Lucas 6:24). Sinabi din niya, “Ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay?

Huwag kang mabahala sa pagiging mahirap. Sabi ni Santiago “Dinggin ninyo hindi baga pinili ng Dios ang mga dukha sa sanglibutang ito upang maging mayayaman sa pananampalataya, at mga tagapagmana ng kahariang ipinangako niya sa mga nagsisiibig sa kaniya” (Santiago 2:5).


2. MAY PAKIALAM BA ANG DIYOS SA MGA MAHIHIRAP?

Siyempre, oo! Nauunawaan ng Diyos na nagdudulot ng napakaraming problema ang kahirapan. Alam Niya na ang pagsubok upang mabuhay, pagsusumikap at pagtitiis sa stress sa pag-iisip ng pagbuhay sa iyong pamilya araw-araw ay maaaring mag-iwan ng kaunting oras para sa anumang bagay.

Iyan ang dahilan kung bakit ang Diyos ay gumawa ng espesyal na probisyon para sa mahihirap sa mga panuntunang ibinigay Niya sa Lumang Tipan, Ang mga magsasaka ay dapat mag-iwan ng mais sa bukid upang may maiwan para pulutin ng mga mahihirap. Kung minsan, kinakailangan ng mga pamilya na magbenta ng kanilang lupain para mabuhay, Iniutos ng Diyos na sa bawat limampung taon, ang mga lupain ay kailangang ibalik sa mga orihinal na may-ari (Leviticus 25:8-17).

Nalalaman din ni Jesus na napakahirap para sa mga taong gutom ang makikinig ng maigi sa kanyang turo. Pinakain niya ang limang libong tao sa isang araw at nang sumunod ay apat na libo. Ang Diyos at si Jesus ay nagturo na lahat tayo ay may tungkuling pangalagaan ang mahihirap.


3. ANONG PAYO ANG MAIBIBIGAY NG BIBLIYA TUNGKOL SA PAGHARAP SA KAHIRAPAN?

Ang Bibliya ay nagbibigay ng praktikal at espiritwal na payo tungkol sa pagharap sa kahirapan. Ang dalawang pangunahing piraso ng praktikal na tulong ay:

(a) Kung paanong malayo ang marating ng maliit. Paano iyan gagawin ng Bibliya? Sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa napakahalagang katangian ng disiplina sa sarili at mahusay na pamamahala. Ang mga katangiang ito ay nakakatulong sa mga pamiyang Kristiyano upang maingat na pamahalaan ang anomang mayroon sila. Walang Kristiyano ang mag-aaksaya ng kanilang pera sa paninigarilyo, pag-inom ng alak, o sugal habang ang kanilang pamilya ay nagdurusa. Pag-aalaga sa kanilang mga anak, pagkain, damit, at bubong na masisilungan ang lagi nilang pangunahing prayoridad.

(b) Sa pamamagitan ng pagpapasigla sa lahat ng Kristiyano upang mapa-unlad ang maka-Diyos na katangian. Maaring hindi ito katunog ng isang praktikal na payo, subalit pag-isipan ang tungkol dito. Ang personal na katangian ng isasng Kristiyano ay maaaring makatulong upang makakuha ng trabaho, kung ito’y walang trabaho. Sa mga may trabaho, ang personal na katangian ay maaring makatulong upang mapanatili ang kanilang trabaho.

Ang isang Kristiyano ay dapat maging isang ulirang manggagawa para sa kanilang amo. Bakit? Dahil ang mga Kristiyano ay tapat, maaasahan, mapagpigil sa sarili, masipag, at masayahin. Ang gayong mabubuting personal na katangian ay bihira. Pinapahalagahan ito ng mga amo. Sinabihan ni Apostol Pedro ang mga Kristiyano na magtrabaho nang mabuti, kahit na masama ang amo! (1 Pedro 2:18-25). Sinabihan din sila ni Pablo na “magsitalima kayo sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon…. gaya ng mga alipin ni Cristo, na ginagawa mula sa puso ang kalooban ng Dios” (Efeso 6:5-8). Ano pa ang gugustuhin ng isang amo?

Sinasabi sa atin ng Bibliya na ang parehong labis na kahirapan at kayamanan ay may kani-kaniyang problema. Gayunman, ito’y nakapagbibigay ng maraming kapaki-pakinabang na payong espiritwal para sa mga mahihirap.

Si Jesus ay mayroong dakilang pag-unawa sa kalikasan ng tao. Alam niya na ang mahihirap na tao ay nababahala sa kanilang kinabukasan, kaya ang kaniyang pamukaw na salita sa kanila ay, “Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano baga ang inyong kakanin, o kung ano ang inyong iinumin; kahit ang sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin … masdan ninyo ang mga ibon … sila'y pinakakain ng inyong Ama sa kalangitan. Hindi baga lalong higit ang halaga ninyo kay sa kanila? … At tungkol sa pananamit, bakit kayo nangababalisa? … talastas ng inyong Ama sa kalangitan na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito. Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo. Kaya't huwag ninyong ikabalisa ang sa araw ng bukas” (Mateo 6:25-34). Huwag kalimutan ang kapangyarihan ng panalangin.

Mas madalas isipin ng mga mahihirap na tao ang Diyos kaysa sa mga mayayaman. Noong nangangaral si Jesus tungkol sa darating na Kaharian ng Diyos, sino ang nakinig? “Ang mga karaniwang tao ay nangakikinig sa kaniyang may galak” (Marcus 12:37). Naramdaman nila ang pangangailangan nila sa kanya. Mas maraming mahihirap na banal sa Kaharian ng Diyos, kaysa sa mayayaman.

Dahil sa kaalaman sa turo ng Bibliya, nauunawaan ng mga mahihirap ang sinabi ni Apostol Pablo na: “Aking natutuhan ang masiyahan sa anomang kalagayang aking kinaroroonan” (Filipos 4:11). Ano! Makontento kahit na sa kahirapan? Oo. Subalit walang sinoman ang makapagnanakaw ng iyong pag-asa na mapabilang sa Kaharian ng Diyos sa pagdating ni Jesus. Kung iyan ang iyong pinakadakilang ninanasa, maaari kang makontento, anoman ang mangyari sa iyo sa buhay na ito.

Si Pablo ay “nagdusa sa pagkawala ng lahat ng bagay”, at inari ang mga ito, “bilang sukal, upang tamuhin ko si Cristo” at “aking tamuhin sa anomang paraan ang pagkabuhay na maguli sa mga patay” (Filipos 3:8-11). Isinulat din niya na: “Napatutunayan ko na ang pagtitiis sa panahong ito'y hindi karapatdapat maitumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin” (Roma 8:18). Alin ang mas mabuti, ang maikling panahon ng kariwasaan sa buhay, o ang lugar sa walang hanggang kaharian ng Diyos? Kung ang pagiging mahirap ay makakatulong sa iyo upang pag-isipan at naisin ang kaharian ng Diyos na darating, anong biyaya ang inilaan ng Diyos para sa iyo!


4. ANONG PAGKAKAIBA ANG MAIBIBIGAY NG PAGDATING NG KAHARIAN NG DIYOS SA MGA MAHIHIRAP?

Ang pagdating ng kaharian ng Diyos sa lupa ay magdudulot ng malaking kaibahan sa mahihirap na pamilya. Kasama si Jesus bilang hari ng sanlibutan, na magdadala ng hustisya, pag-ibig at kapayapaan, ang mga mahihirap ay mabibiyayaan.

Si Jesus na hari ay galing sa mahirap na pamilya. Hindi niya makakalimutan ang mga mahihirap sa pagdating niya. Ang kahirapan ay mawawala. Anong kamangha-manghang panahon ang darating!

Sa pangwakas, may isang uri ng gutom at pagka-uhaw ang dapat ninanais ng iyong puso. Sabin i Jesus, “Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin” (Mateo 5:6).

Kung iniibig mo ang Diyos at ipinangingilin ang Kanyang mg autos ngayon, magkakaroon ka ng kagalakan sa pamumuhay magpakailanman. Mawawala ang mga luha, ang gutom, pighati at kamatayan. Ikaw ay magiging isa sa mga walang kamatayang banal sa darating Niyang kaharian.

bottom of page